... . , .
|
Tubig
at Kamalayan ng Publiko
|
|
Partisipasyon
ng Kominidad sa Pagkakampanya
|
.
Modulo
ng Pagsasanay
.
|
Hindi sapat
ang tubig para mabawasan ang sakit at kahirapan; kail isang epektibong
kampanya upang mamulat ang mgasa kamalayan sa para maorganisa at mapaitupad
sa komunidad
|
...
...
| Ang
tubig ay importanteng sektor sa pagpapalakas ng komunidad |
. |
Ang
paggawa o pagbalik sa ayos ng kalagayan ng pasilidad ng tubigan sa komunidad
ay hindi madali. Ito ay may hindi inaasahang implikasyon, at dapat ay maiging
maintindihan ito ng tagapagkilos at ng komunidad na gusto mong pakilusin |
...
Mga
isyu na may kaugnayan sa tubig (pero hindi limitado dito) ay ang mga sumusunod:
-
Hindi sapat ang tubig para
mabawasan ang sakit at kahirapan
-
Kailangan isama sa suplay
ng tubig ang kampanya sa pagpapaintindi ng mga sakit na dulot ng tubig
-
Pagbabago sa paguugali ay
kinakailangan upang mapanatili ang malinis na tubig mula gripo hanggang
bibig
-
Kinakailangan isama ang sanitasyon
kung ang tubig ang gagamitin para sa pagtaguyod ng kalusugan
-
Kinakailangang maintindihan
ng tao bakit nila ginagawa at paano nila gagawin
-
Ang pagkakaroon ng suplay
ng tubig ay isang puhunan at hindi pangkalakal
-
Hindi libre ang pagsusuplay
ng tubig
-
Ang paniniwala na dapat libre
ang tubig ay kinakailangang pabulaanan
-
Ang pagbibigay sa komunidad
ng libreng tubig ay nagbubunsod ng pagiging dependente at nagpapalaganap
ng kahirapan
-
Mas inklinado na mapanatili
ng komunidad and suplay ng tubig kung sila mismo ay may kontribusyon dito
-
Kinakailangan maintindihan
ng tagapagkilos ang mga politiko
-
Maaring makatulong ang mga
politiko upang mabigyan ng lakas ang komunidad ngunit maari itong magsulong
ng pagiging dependente
-
Ang mga komite sa tubig ay
kinakailangang maging lantad sa kanilang mga desisyon at pananalapi
-
Kinakailangang magorganisa
ang mga komunidad ng mga kampanya upang magiiangat ang kaalaman ng mga
tao
-
Kinakailangang matutunan
ng komunidad ang pagpagkontrol ng kanilang suplay ng tubig
-
Kinakailangang ng komunidad
na desisyunan ang naayon na panggagalingan ng tubig
-
Kinakailangang desisyunan
ng komunidad ang naayong teknolohiyang gagamitin sa pagsusuplay ng tubig
-
Walang isang teknolohiya
ang pinakamabisang gamitin sa bawat kondisyon
-
Inaabisuhan ang komunidad
na magkaroon ng iba't ibang klase ng teknolohiyang gagamitin
-
Kinakailan ng komunidad na
kalkulahin ang halaga bawa't ulo ng pagsusuplay ng tubig
-
Kinakailangan ng komunidad
na desiyunan kung paano mababawi ang gastusin
-
Kinakailangan ng komunidad
na desisyunan kung ang bayaran o kalakaran ay kinakailangang gamitin
-
Kinakailangan ng komunidad
alamin ang pagkakaiba ng gastusin pang kapital at ng gastusin pang operasyon
-
Kinakailangan ng komunidad
na pangasiwaan ang sarili nilang pasilidad sa suplay ng tubig
|
...
| Hindi
ito maikling listahan |
. |
Lahat
ay importante at hindi dapat ito magkulang |
...
| Bilang
isang tagapagkilos, ikaw at ang iyong ahensya (NGO, gobyerno, kahit ano)
ay hindi dapat magplano at magpasatupad ng kampanya sa pagpapalaganap ng
kampanya |
. |
Kinakailangang
maging mahalagang parte ito ng kahit anong programa ukol sa tubig, at kinakailangang
gawin ito ng komunidad |
...
|
Pwede kang magbigay
ng inspirasyon, pampasigla, hamon at pagsasanay para sa komunidad para
maisagawa nila ang kampanya ngunit hindi ikaw ang dapat magbigay ng kampanya.
|
...
| Ang
paggawa o pagbalik sa ayos ng kalagayan ng pasilidad ng tubigan ay panlipunang
pamumuhunan. Sa umpisa, kailangan nito ang sakripisyo, pagmumulan ng mga
yaman patungo sa gawain na hindi direktang ikokonsumo upang maitaas ang
konsumo sa hinaharap |
. |
Ito
ay tumutulong sa pagbawas sa sakit, pagbawas sa kahirapan, at pagtaas ng
lakas at yaman ng komunidad, ngunit it ay |
...
|
Gamitin ang prinsipyo
ng pagpapalakas
at pamamaraan ng pagkilos
Ipaliwanag sa kung saan sa modulong pagsasanay, upang magawa ito ng komunidad
|
––»
«––
|